Hmmm di ko alam kung ano ang nakain ko (malamang OD ako sa chocolate dahil sa training?!? O.o) pero naalala ko lang tong paboritong ikwento ng mama ko kapag pinaguusapan nila yung mga 'moments' ko nung bata ako. According to her...
Bata pa lang ako eh curious na raw talaga ako sa mga bagay bagay at isa sa pinaka sineryoso at paborito kong subject eh science. Nagkataon daw na may project kami nun na magtatanim kami ng munggo sa dalawang box (labelled as A and B, malamang *snickers*) at i-dodocument yung mga changes na naganap sa loob ng isang linggo.
Sinundan ko raw talaga ang growth at developments ng dalawang box at kumpleto ang obserbasyon na isinubmit ko. Kaya lang, nagtataka sila dahil nagpagawa daw ako ng mas malaking box para lagyan ng halaman. Syempre naman, iginawa nila ako dahil kala nila school project pa rin eh. May itinanim daw ako dun at araw-araw kong dinidiligan at binibisita at kung ano pa (siguro kinakausap ko rin yun kasi dapat daw kausapin ang mga halaman para maging maganda ang tubo... {weirdness talaga!}). Anyway, matagal daw akong ganun at sa SOBRANG tagal, napansin nila na nadedepress ako dahil walang tumutubo. Tinanong tuloy nila ako kung ano ang itinanim ko. At syempre ang maganda ko raw na sagot "buto ng manok". Kasi sabi ng teacher ko, kapag nagtanim tayo ng buto tulad nung sa mungo eh siguradong may aanihin tayo. At isa pa eh ipinagtataka ko raw talaga kung bakit dumadami ang mga langgam sa kahon! WTF! Ang logic ko ata eh kakaibang lebel! Pero tama naman di ba? May sense kung baga. Ang pagkakamali ay nasa teacher ko. Ndi nya kasi nilinaw ang pagkakaiba ng buto ng hayop at buto ng halaman...
HAHAHAHA. Kahit ako tuloy natatawa nanaman :D Wala akong maisip na moral of the story dahil ang masasabi ko lang, MALI TALAGA TEACHER KO!!!
Saturday, June 7, 2008
Childhood Reflections I: Reap What You Sow
Posted by Betsygurl at 6/07/2008 04:58:00 AM
Labels: Childhood, childhood stories, me as a kid, moments, monggo seeds, Reflection, science project
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Natawa ako dun ah. Bata ka pa lang OC ka na! O sige na nga . . . ang may mali ay ang teacher mo . . . Hahahaha
Post a Comment